Meditation

Isang panawagan upang manalangin para sa kapayapaan sa mundo"
Por: The Workshop Team, Ika 3 ng Marso, taong 2026



Lubos naming sinusuportahan ang panawagan ni Papa Leo XIV para ang buong mundo ay manalangin para sa kapayapaan, na nagbabala na ang pandaigdigang kalagayan ay "patungo sa isang hindi na maibabalik na kaayusan" habang tumitindi ang mga digmaan. Maliwanag ang kanyang layunin para sa buwan ng Marso: na piliin ng mga bansa ang diyalogo kaysa karahasan, at maging posible ang tunay na pag-aalis ng sandatang nukleyar.

Ito ay isang sandali na lahat tayong Kristiyano - Katoliko, Protestante, Evangelikal, Karismatiko, Ortodokso, Iglesia man at mga Mistiko na magkaisa sa panalangin. Ngunit bago tayo manalangin para sa mundo, kailangan muna nating manalangin para sa espirituwal na proteksyon sa ating mga pamilya, ating mga grupo, at ating mga tahanan..

Tayo ay kasalukuyang napapalibutan ng matinding kadiliman. Ang mga nakakakilabot na rebelasyon at kasamaan mula sa mga Epstein files at ang naka ambang banta ng pandaigdigang digmaan ay nagpapaalala na ang ating probleman hinaharap ay hindi lamang pampulitika, militar, o panlipunan - ito ay isang pandaigdigang digmaang espirituwal..


Sa mga sandaling ito ng digmaang espirituwal, sikaping manalangin nang sama-sama o kasama ang pamilya. Laging magsimula sa panalangin ng proteksyon:

• Maaaring simulan ng mga Katoliko ang Panalangin kay San Miguel Arkanghel, ang Rosaryo, o ang Mahal na Dugo ni Jesus.

• Maaaring magsimula ang ibang mga Kristiyano sa Awit 91 o Awit 23, na tinatawag ang Panginoon bilang kanlungan at pastol.

• Maaaring manawagan ang mga Kristiyanong Mistiko sa Liwanag ni Kristo upang balutin at ingatan ang kanilang mga tahanan at mahal sa buhay.

Pagkatapos, mula sa lugar na iyong espirituwal na bakod o proteksyon, itaas natin ang ating tinig sa Panginoong Kristo, sa tulong ng Espiritu Santo, para sa kapayapaan at ating hilingin ang Kanyang banal na awa para sa kapayapaan ng mga bansa, pagbabagong-loob ng puso ng mga pinuno ng mga bansa, at ang pagtatagumpay ng liwanag laban sa kadiliman. (Maaari kang mag sindi ng kandila habang nananalangin.) Manalangin ayon sa iyong tradisyong espirituwal o pananampalatayo.

Purihin ang Panginoong JesuKristo!

---------------