by: The Workshop Team, May 28, 2026
Sa kasalukuyang healing ministries, naging karaniwan na ang tinatawag na "remote o distance healing". Karaniwang makatatanggap tayo ng listahan ng mga pangalan ng mga taong may karamdaman na nangangailangan ng panalangin. Magtitipon ang grupo upang manalangin at taos pusong mamamagitan para sa mga kapatid na may karamdaman at pansamantalang hindi makakasali sa pangkatang panalangin. Ngunit tila nalilimutan natin ang isang bagay na importante sa distance healing - ang pisikal na pagpapatong ng kamay na kaakibat ng panalangin ayon sa Bagong Tipan. Ito ay mas kilala sa tawag na "pray over" o "laying of hands" or " ang pagpapatong ng kamay sa may karamdaman".
Sa sulat ni San Pablo kay Timoteo, kanyang ipinaalala ang pagbuhay sa kaloob ng Panginoon na espiritual na pag papagaling sa may mga karamdaman (Gift of the Holy Spirit) (2 Tim 1:6). At huwag kalimutan o pabayaan ang kaloob na ito, ang pagpapatong ng kamay sa may mga karamdaman (1 Tim 4:14).
Sa mga siping ito, ang pagpapatong ng kamay bilang espiritual na pag papagaling ng karamdaman ay hindi nagkataon lamang. Ito ang mismong bahagi ng aksyon. Ang panalangin na may kasamang aksyon ay isang kinatawan kung saan ang biyaya ay naipararating.
Ang problema sa "remote healing prayer" o panalanging malayuan sa kasalukuyang kinagawian
Sa kasalukuyang mga healing ministries, ang remote prayer ay nalimitahan sa simpleng pagbasa ng mga pangalan, verbal na pag aangat ng intensyon, at wawakasan ng isang pangkalahatang panalangin ng pagpapagaling at pagpapala.
Kahit ito ay taos puso at mabunga, ang sistemang ito ay nanganganib na maging hungkag, na maging isang purong mental o verbal na gawa lamang, hiwalay sa pisikal na pagpapahayag na palagiang iniuugnay ng Scriptura sa pagbibigay, pagpapagaling at pagpapala.
Kung sa personal na hindi tayo makakapagsagawa ng healing prayer na walang pagpapatong ng kamay, ang distansya kaya ay magpapawalang bisa sa huwarang ito?
Simpleng pagpapatong ng kamay sa may karamdaman mula sa malayong lugar
Paano natin mababawi ang aksyon na ito kung malayo o hindi natin kasama ang nangangailangan ng pagpapagaling?
Narito ang simpleng hakbang:
1. Ilagay sa isipan ang taong nangangailangan ng remote healing.
Mas madali kung ang tao ay kilala mo at alam mo ang kanyang itsura. Kung hindi naman, simpleng banggitin ang kanyang buong pangalan.
2. Isipin na ang tao ay nasa iyong harapan
Isang konkretong presensya at hindi konseptwal lamang. Mas mainam na isiping isang maliit na pigura sa ibabaw ng mesa o altar ang taong iyong ipra-pray-over.
3. Ilatag ang kamay tungo sa imaheng inisip, (sa msliit na pigura sa iyong harapan).
Marahang ipatong ang kamay sa kanyang ulo, balikat o sa anyong pagbabasbas, na wari ba sya ay mismong nasa iyong harapan.
4. Manalangin gaya ng normal na kinagawian
Manalangin ng pagpapagaling sa karamdaman, manawagan sa Banal na Espiritu Santo at mamagitan ng may intensyon.
5. Magpatuloy sa isang tao sa bawat pagkakataon.
Sa halip na pangkalahatang 'pray over', gawin ito ng isa isa, ituring ang bawat tao na personal na pasyente.

Hindi ito isang pantasya o pag-arte lamang. Ito ay intensyonal na anyo ng pagsasagawa at sadyang makapangyarihan. Ang isip ay nagbunsod ng presensya, ang katawan ay nagbunsod ng pag gawa, at ang panalangin ang nag-ugnay sa dalawa.
Ang diskarteng ito ay batay sa isang simpleng kawatasang teologikal. Ang grasya ay espiritwal ngunit kadalasang ipinapahatid sa pamamagitan ng mga kilos o gawa na nakatalaga. Kahit sa malayo, ang tao ay nananatiling pisikal at espiritwal. Sa pagsama ng katawan sa panalangin, kahit pa simbolikal lamang, ihinahanay ntin ng malapitan ang sarili sa huwarang pang apostol.
Isipin muli si San Pablo sa Acts 28:8 ng kanyang pagalingin ang ama ni Publius. "Matapos manalangin, ipinatong nya ang mga kamay sa kanya at sya ay pinagaling."
Mahalaga ang pagkakasunod-sunod: panalangin + paghipo or pagpatong ng kamay
Sa remote prayer, ang pisikal na pakikipag-ugnayan ay imposible ngunit ang intensyonal na paggawa o pagkilos ay posible.
Panunumbalik ng sinaunang kasanayan, hat hindi ito bagong diskarte
Ang panukalang ito ay hindi naglalayon na palitan ang kasalukuyang umiiral na kasanayan, bagkus para mas palalimin ang kasanayang ito. Ipinapanumbalik nito ang isang bagay na di sinasadyang nalimutan sa panahong ang mga ministeryo ay umangkop sa sukat at distansya.
Noon pa man, ang mga Charismatico ay sensitibo sa galaw ng Espiritu. Sa kasalukuyan, maaring tayo ay tinawag upang panumbalikin ang pagsasanib ng panalangin, intensyon, at galaw ng katawan, kahit sa hindi nakikitang paraan.
Sa remote praying, madalas na sinasabi na sana ay maabot sila ng Panginoon saan man sila naroon. Ngunit mas mainam na kaakibat ng ating dasal ay abutin din natin sila ng ating mga kamay, hindi lang ng mga salita.
Kahit sa malayong distansya, ang pagpapatong ng kamay ay nagpapahiwatig ng:
Isang bukas na tulay, isang pagpapalang inialay at isang presensyang pinalawak sa pananampalataya.
Ipalaganap ang pagnsasanay na ito sa mga healing ministries at pasalamatan ang Banal na Espiritu Santo para sa katuruang ito.
Purihin ang Panginoong HesuKristo!